𝗣𝗑𝗣 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑, π—‘π—”π—šπ—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—š π—œπ—‘π—¦π—£π—˜π—žπ—¦π—¬π—’π—‘ π—žπ—’π—‘π—§π—₯𝗔 π—§π—˜π—₯π— π—œπ—§π—˜ π—šπ—”π—‘π—š

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Cauayan City Police Station sa ilang bangko sa lungsod.

Kabilang dito ang PBCOM, DBP, at Metrobank, bilang bahagi ng kanilang mga hakbang upang maiwasan ang posibleng pag-atake ng Termite Gang.

Ang pagbisita ay isinagawa upang tiyakin ang seguridad ng mga bangko at paalalahanan ang mga empleyado tungkol sa mga modus operandi ng mga kriminal.


Ayon sa pulisya, mahalagang maging mapagmatyag ang mga establisyimento upang maiwasan ang anumang insidente ng pagnanakaw.

Bukod sa inspeksyon, nagbigay rin ng mahahalagang paalala ang mga pulisya sa mga empleyado at guwardiya ng bangko, tulad ng tamang paggamit ng mga security camera at iba pang preventive measures.

Patuloy namang magsasagawa ng mga ganitong inspeksyon ang Cauayan PNP upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente at establisyimento sa lungsod, lalo na laban sa mga Termite Gang.

Facebook Comments