Kinumpirma sa IFM Dagupan ni P.LT.Col. Brendon Palisoc, hepe ng Dagupan City PS na talagang may naganap na iligal na gawain sa lugar kung saan sumabog ang isang bahay na may mga nakaimbak na paputok sa bahagi ng Barangay Malued.
Base aniya sa isinagawang post-blast investigation ng PNP-EOD, may mga nakita at napag-alamang mga sangkap at ibang gamit sa paggawa ng paputok sa lugar.
Inihayag pa nito na naisampa na ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 7183 kung saan sila ay sangkot sa iligal na paggawa ng mga paputok at maaari din aniyang maisampa ang kasong Reckless Imprudence resulting to damage of property sa apat na kalalakihang primary suspek na sangkot sa iligal na gawain.
Hinihikayat din aniya ang mga kabahayan na nadamay sa pagsabog na magsampa ng reklamo sa mga suspek.
Samantala, base sa datos ng awtoridad, pumalo na sa dalawampu’t-isa na bahay na ang napag-alamang may sira dahil sa pagsabog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨