𝗣𝗡𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Pinaalalahanan ngayon ng PNP Dagupan ang publiko ukol sa mga maaaring insidente ng pagnanakaw ngayong holiday season.

Talamak ang mga ganitong klase ng modus lalo at maraming pera ang inilalabas ngayon ng mga tao at panay ang punta sa mga malls at pook pasyalan para mag-celebrate ng holiday season.

Payo ni PNP Dagupan Police Lt. Col. Brendon Palisoc, huwag maging kampante lalo na ang mga nasa may business center area ng lungsod sa pagdiriwang ng holiday season.

Maari kasing maging oportunidad ito ng mga may masasamang loob para magnakaw o makapagsagawa pa ng mas nakapipinsilang insidente lalo na sa mga ganitong klase ng selebrasyon.

Sa kabilang banda, tuloy pa rin ang pagbabantay ng hanay ng kapulisan at hindi muna umano magsasagawa ng break dahil sabay din sa holiday season ang fiesta ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments