Tututukan ng Pangasinan Police Provincial Office ang mga pampublikong sementeryo sa lalawigan ngayong araw ng Undas.
Ayon kay Provincial Director Police Colonel Rolly Capoquian, naglagay ang hanay ng pulisya ng police assistance desk sa entrance at exit ng mga sementeryo upang masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga bibisita sa kanilang mga yumao.
Aniya, karamihan umano sa mga public cemeteries ay mayroong back door o lagusan na maaring dahilan upang maipasok ang mga ipinagbabawal sa sementeryo.
Nagkaroon din ng koordinasyon sa mga ambulant vendors upang maiwasan ang pagbebenta sa loob mismo ng sementeryo.
Samantala, payo ni Capoquian bago umalis patungo sa mga sementeryo siguraduhing na i-secure ang tahanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments