𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗗𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡

Muling nagpaalala ang Pangasinan PNP kaugnay sa pag-iwas sa aksidente matapos ang mga sunod-sunod na mga aksidente na naitala sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan Kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz, sinabi nito na sa kanilang monitoring kasama ang Highway Patrol Group, dumadami na naman ang mga naitalang mga aksidente sa mga pangunahing lansangan sa Pangasinan.

Kaugnay nito ay ang muling pagpapaalala ng mga hindi at dapat gawin bago magmaneho.

Kaugnay dito ay ang pagsulputan ng mga tinatawag na mga kamote drivers na tila hindi alam ang mga batas sa mga lansangan.

Sa ngayon ay motorsiklo pa din ang nangungunang dahilan ng aksidente sa lansangan kung saan ay halos araw-araw ay may mga naitalang aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments