Nakalikom ng halos isang milyon o P870,100 ang hanay ng kapulisan sa Pangasinan bilang tulong sa labing siyam nilang mga kasamahang may lubhang karamdaman.
Nitong Sabado, nagsagawa ang Pangasinan Police Provincial Office ng Fun Run, kung saan lumahok ang nasa 2,486 na runners. Ang naturang kaganapan, ay ginanap sa bahagi ng Lingayen-Binmaley Baywalk, kung saan mayroong kategoryang 3 at 5 kilometers.
Ayon kay Major Fernan Rivera, ang Acting Chief ng Police Community Affairs and Development Unit, ang nalikom sa nasabing Fun Run ang ipangtutulong nila sa labing siyam nilang kasamahan na kasalukuyang sumasailalim sa dialysis at lumalaban sa sakit na cancer.
Samantala, ipaprayoridad nila ang pagsuporta sa mga aktibong miyembro ng kapulisan sa lalawigan, upang makatulong sa kanilang pagpapagamot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨