𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗙𝗨𝗟𝗟 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗛𝗜𝗧 𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Naka-full alert status pa rin ang hanay ngkapulisan sa Pangasinan para sa pagbabantay ng seguridad ng sa buong lalawigan kahit pa tapos na ang pagdiriwang ng bagong taon.

Ayon kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan dela Cruz, tuloy tuloy pa rin at naka full alert pa rin ang buong kapulisan lalo na sa mga bus terminals kung saan inaasahan ang dami ng taong magsisipag-uwian muli sa probinsya sa pagtatapos ng holiday season.

Sa ngayon, nakafocus ang hanay ng kapulisan sa pagbabantay sa mga bus terminals sa lalawigan nang sa gayon ay maayos at mapayapa ang maging daloy ng byahe at pag-uwi ng mga byahero.

Sa kabilang banda, tuloy pa rin umano maging ang panghuhuli at pagkukumpiska ng mga kapulisan sa mga iligal na paputok lalo na sa mga medor de edad dahil kahit tapos na ang selebrasyon ng bagong taon ay may mga patuloy pa rin na nagpapaputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments