Nakatakdang magsagawa ng License to Own and Possess Firearm (LTOPF) and Firearms Registration Caravan ang Pangasinan Police Provincial Office (PANGPPO).
Isasagawa ngayong buwan ang dalawang araw na Caravan sa darating na August 22-23, 2024 sa Umingan Municipal Auditorium, Umingan Pangasinan.
Sa susunod na buwan nagtakda rin ang ahensya ng caravan sa RCSU1 Stakeholders Assistance Center, 2nd Floor ng New City Hall Building sa Brgy. Anonas, Urdaneta City, Pangasinan sa darating na September 3, 2024.
Sa September 5-6,2024 isasagawa rin ang Caravan sa Sual Sports Complex, Sual, Pangasinan.
Ang LTOPF Caravan ay daan upang mabigyan ng serbisyo ang mga mamamayan na makapag renew, makapag-apply ng license to own and possess firearms at makapagparehistro ng kanilang baril.
Hangad ng pulisya na matugunan ang problema sa mga pasong rehistro ng baril nang hindi sampahan ng sa ilalim ng RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨