𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Inilunsad sa La Union ang Police Community Academy o PCA ng Police Regional Office 1.

Layunin ng programa na maihanda ang mga kabataan sa Ilocos Region na maging lider at makibahagi sa pagbabago sa komunidad.

Nasa 1, 135 na mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa probinsya ang lumahok sa paglulunsad ng naturang programa. Ang mga kabataan na bahagi ng PCA ay sasailalim sa tatlumpung araw na kasanayan mula sa actual phase na naglalaman ng karampatang lecture at tactical phase o practical demonstration sa mga komunidad.

Inaasahan sa pamamagitan ng PCA, mapapaangat ang volunteerism ng bawat kabataan sa pagbabantay sa mga komunidad at pakikiisa sa programa ng mga ahensya ng gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments