𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥

Dinaluhan ng higit isang libong mga kabataan sa lalawigan ng Ilocos Sur ang paglulunsad ng programang Police Community Academy ng Police Regional Office 1.

Ang PCA ay isang programa ng hanay ng kapulisan na may layong matututukan ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagtaas ng kamalayan na maging kaisa sa pagtugon sa mga isyung panlipunan, at makatulong sa pagpapalaganap ng kaayusan sa komunidad. Kabilang sa pagtataguyod ng programa ang iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng DepEd, NAPOLCOM, PDEA at iba pang non-government agencies.

Samantala, ilang kabataan ang nabigyan ng school supplies at groceries sa probinsya bilang tulong sa kanilang pang araw-araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments