Inilunsad sa lalawigan ng Pangasinan ang Police Community Academy sa pangunguna ng Police Regional Office 1 at ng Department of Education sa Sison Auditorium, Lingayen Pangasinan.
Nasa halos dalawang libong kabataan mula sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan ang target na mapasama sa naturang programa.
Ang naturang proyekto ay paghubog sa mga Kabataan sa kanilang kakayahang mamuno at magkaroon ng partisipasyon sa komunidad tungo sa maayos na lipunan.
Tatlumpung araw gaganapin ang naturang Community Academy kung saan magsasagawa ng mga lectures at mga pagsasanay ang kapulisan sa mga aktibong kabataan upang linangin ang kanilang kakayahan na maging susunod na mga lider ng kanilang komunidad.
Samantala, una nang inilunsad ang naturang proyekto sa Bauang, La Union noong 2018 at siyang itinutuloy lamang para sa pagsulong sa mga kabataan na makibahagi at maging epektibong mamamayan sa lipunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨