𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟮, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗗

Cauayan City – Nakatanggap ng Special Award ang Police Regional Office 2 kasabay ng pagdiriwang ng ika-isandaan at dalawampu’t-tatlong Police Service Anniversary noong ika-8 ng Agosto sa Camp BGEN Rafael T. Crame, Quezon City.

Personal na tinanggap ni PRO2 Regional Director PBGEN Christopher Birung ang special award matapos makamit ng kapulisan ng Lambak ng Cagayan ang highest number of arrested wanted person by percentage sa buong Pilipinas.

Nanguna ang Rehiyon Dos matapos madakip ang 335 top most wanted persons, 287 most wanted persons, at 3,008 other wanted persons.


Bukod sa pagkakadakip ng mga notoryus na mga kriminal, nakorner din ng kapulisan ng PRO2 ang ilang miyembro ng Potential Private Armed Groups sa Rehiyon, maging ang ilang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Pinuri naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang katapangan at dedikasyon ng kapulisan sa buong Pilipinas dahil sa kanilang buong pusong pagbibigay serbisyo publiko para lamang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng Pilipinas at ng mamamayan nito.

Facebook Comments