𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟭, 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟬 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗩𝗔𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗪𝗘𝗥𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗞𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗦𝗧𝗢𝗥 𝗤𝗨𝗜𝗕𝗢𝗟𝗢𝗬

Nakatakdang magpadala ng 200 pulis ang Police Regional Office 1 bilang tulong sa paghahanap kay Pastor Quiboloy sa Davao City.

Ayon sa PRO1, nakastandby na umano ang mga ito sa posibleng deployment upang masiguro ang seguridad ng komunidad maging ang iba pang law enforcement officers na nasa palibot ng KOJC Compound.

Layunin din ng pagpapdala ng karagdagang pwersa ng pulis sa Davao City na mabigyan ng pahinga ang mga pulis na nauna nang idineploy sa lugar upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.

Iginiit ng tanggapan na ang hanay ng pulisya ay patuloy na pinapairal ang maximum tolerance sa nagpapatuloy na operasyon sa pagtugid Kay Pastor Quiboloy.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments