𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟭, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝟵𝟰. 𝟵𝟬% 𝗡𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘

Nakapagtala ng 94. 90% na crime clearance ang Police Regional Office 1 sa buwan ng Agosto. Kaakibat ito ng pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ng rehiyon kontra kriminalidad.

Sa inilabas ng datos ng tanggapan sa pagsugpo ng ilegal na droga, naisagawa ang 97 na operasyon kung saan 121 ang naarestong sangkot dito.

Nakumpiska ang 20, 699. 87 gramo ng shabu, 6, 170. 27 grams naman ang dried marijuana habang na nagkakahalahag ng Php141, 786, 083. 88.

Sa usaping loose firearms, 24 na operasyon ang naisagawa kung 25 katao ang aresto at nakakumpiska ng 23 firearms. Kalabos ang 37 wanted persons sa Ilocos Region habang mayroong 314 na katao ang naaresto rin.

Nahuli rin ang 139 na katao sa isinagawang 45 na operasyon sa ilalim ng anti-illegal gambling. Inaasahang mas pag-iigtingin pa ng hanay ng kapulisan sa rehiyon ang kakayahang mapanatili ang kaligtasan sa banta ng mga krimen sa Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments