π—£π—’π—Ÿπ—œπ—–π—˜ π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—’π—™π—™π—œπ—–π—˜ 𝟭, π—žπ—œπ—‘π—’π—‘π——π—˜π—‘π—” π—”π—‘π—š π—£π—”π— π—”π— π—”π—¦π—Ÿπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—¬ π—¨π— π—œπ—‘π—šπ—”π—‘ π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—Ÿπ—’π—₯ π—’π—‘π—œπ—”

Mariing kinondena ng Police Regional Office 1 ang pamamaslang Kay Umingan Councilor Ponciano Vallecer Onia sa Brgy. Lubong Umingan, Pangasinan.

Sa inilabas na pahayag ni PRO1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista, nagsasagawa na ang mga ito ng malalimang imbestigasyon kung saan nagpapatuloy ang Pangangalagap ng mga ebidensya at testimonya ng mga saksi.

Aniya, ang kaligtasan at seguridad ng publiko ang pangunahing prayoridad ng kapulisan maging ang mas pina-igting na police operations lalo Pat nalalapit na ang eleksyon.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa sinomang may impormasyon na makakatulong sa pagresolba ng kaso ay makipag ugnayan sa imbestigador ng pulisya. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments