๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—˜ ๐Ÿฎ, ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—–๐—Ÿ๐—˜๐—ข

CAUAYAN CITY โ€“ Ipinakita muli ng Police Regional Office 2 ang kanilang pagsisikap at pangako na masugpo ang anumang uri ng kriminalidad sa buong Rehiyon Dos.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) mula ika-13 hanggang ika-19 ng Marso.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng kabuuang 121 wanted persons, kung saan lima sa mga ito ay mula sa listhan ng mga Top Most Wanted Persons sa rehiyon.


Bukod dito, nakapagkumpiska rin ang PRO2 ng mahigit P300-K na halaga ng shabu at mahigit P3-K naman sa marijuana matapos ang ikinasang 22 operasyon dahilan ng pagkakaaresto ng 34 na suspek.

Sa ilegal na sugal naman ay apat na operasyon ang kanilang isinagawa na naging dahilan upang madakip ang 24 na indibidwal.

Nagkaroon din ng kampanya ang PRO2 laban sa mga ilegal na baril kung saan walong (8) firearms ang nakuha habang isang (1) explosive device at 15 firearms naman ang kusang isinuko.

Maliban dito ay nagkaroon din ng kampanya laban sa illegal logging at insurgency ang kapulisan.

Tiniyak ng PRO2 na paiigtingin pa nila ang kampanya kontra kriminalidad para sa kaayusan at kapayapaan ng buong Rehiyon.

Facebook Comments