𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘, 𝗣𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡

Inihayag ng Pangasinan Police Provincial Office na paiigtingin nito ang police visibility kasunod ng pagbubukas ng klase sa iba’t-ibang paaralan sa probinsya.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Police Captain Renan Dela Cruz, tagapagsalita ng PPO, generally peaceful ang naging pagbubukas ng klase noong lunes at walang naitalang anumang untoward incident.

Kasunod umano ito ng direktiba ni Provincial Director Police Colonel Jeff Fanged na kinakailangan ay maramdaman ng publiko ang presensya ng mga pulis sa komunidad.

Aniya, asahan daw ang pinaigting na pagbabantay ng kapulisan hindi lamang sa pagbubukas ng klase upang masiguro ang seguridad ng mga mag-aaral sa lalawigan.

Bagamat hindi nagbukas ang ibang paaralan noong lunes, sila naman umano ay handa sa pagtulong sa pag-asiste sa mga paaralan na magbubukas sa mga susunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments