𝗣𝗢𝗟𝗜𝗦𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗢 𝗦𝗢𝗗𝗔 𝗔𝗡𝗗 𝗝𝗨𝗡𝗞 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Ipinagbabawal na ang pag-inom ng mga softdrinks and pagkain ng Junk Food sa mga daycare center sa bayan ng Calasiao, ngayon, ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ayon sa naturang ahensya, ang pagkain ng mga hindi masustansyang pagkain ay ang pangunahing dahilan ng malnutrisyon sa mga kabataan, kaya’t ipinagbabawal na ang mga ito, partikular na sa mga daycare center.

Samantala, nagbabahagi naman ang MSWDO ng mga masustansyang pagkain sa bawat daycare center sa bayan, tulad na lamang ng itlog, tinapay, prutas at mga masustansyang inumin, bilang alternatibo at makaiwas ang mga bata sa pagkain ng mga hindi masustansyang pagkain.

Para sa mga magulang, maganda ito sa kalusugan ng kanilang mga anak dahil sila’y makatitipid at masustansya pa ang kanilang kinakain.

Ayon naman sa Municipal Nutritionist, epektibo diumano ang pagpapatupad ng mga feeding program, dahil mula sa 30 na malnourish na bata noong 2022, lima na lamang ito noong nakaraang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments