𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗦𝗧𝗘 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗘𝗤𝗨𝗜𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗣𝗔𝗦𝗔𝗥𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗠𝗣𝗦𝗜𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Kulang umano sa kagamitan upang makolekta ang nasegregate na basura kaya hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa naipapasara ang dumpsite sa Dagupan City ayon kay Mayor Belen Fernandez.

Sinabi ng alkalde na kabilang sa mga nakapaloob sa supplemental budget ang pagbili ng backhoe, dump truck at ilan pang kagamitan upang mahakot ang mga nakokolektang basura sa mga barangay.

Samantala, nilinaw naman ng alkalde ang proseso ng segregation sa mga barangay.

Madalas umanong sanhi ng pagbaha sa lungsod ay ang mga naiipong basura sa drainage na bumabara sa daluyan ng tubig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments