Binabantayan ngayon ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ang iba’t-ibang sakit na maaaring makuha ngayong panahon ng tag-ulan.
Isa umano dito ang sakit na dengue na patuloy umanong tumataas ang kaso sa probinsiya.
Sa huling tala ng PHO mula January 1 hanggang July 8, 2024, nasa 716 na ang kasong kanilang naitala kung saan nangunguna sa kanilang watchlist ang bayan ng Lingayen na nakapagtala na ng 155 na kaso.
Mahigpit din ang monitoring ng tanggapan sa leptospirosis.
Sinabi ng opisyal na kinakailangang alamin ang sintomas ng sakit upang agad na maagapan.
Pinag-iingat din ang publiko sa maruming tubig. Aniya, kailangang malinis ang inuming tubig upang maiwasan ang diarrhea.
Kung hindi umano sigurado sa kalinisan ng inuming tubig ay maaari naman itong pakuluan ng dalawang minuto nang sayon ay matiyak na malinis itong inumin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨