Tinalakay sa naganap na Region 1 Investment Forum na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang iba’t-ibang taglay na potensyal ng apat na lalawigan sa rehiyon sa usapin ng investments.
Ilan sa mga natukoy na posible pang mapalakas at mapalawig ay sa agrikultura, agribusiness, turismo, eco-tourism, imprastraktura at property development.
Ayon kay DTI-Ilocos Assistant Regional Director Merlie Membrere, malaking oportunidad sa pagbubukas ng mga trabaho para sa mga residente sa rehiyon Uno kung mas dadami rin ang mga negosyong magsipag tayo sa Ilocos Region.
Kasunod ito ng kahalagahan sa pagtutok sa mga investable areas na inaasahang tatrabahuin ng apat na lalawigan sa probinsya. Samantala, layon ng naturang pulong na maipakita ang investment landscape ng rehiyon sa posibleng pagpasok ng mga investors sa Region I. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨