Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng isang poultry farm sa Brgy. Nong Dasol matapos ang “massive fly infestation” dito.
Ayon sa lokal na pamahalaan apektado ng langaw ang Brgy. Poblacion, Bobonot, San Vicente at Malimpin.
Ayon sa lokal na pamahalaan, binigyang-pansin ang muling pagreklamo ng mga residente dahil sa patuloy na fly infestation dulot na rin ng mga trak na nag-aangkat ng produkto ng farm at nakapark sa harap ng Dasol Public Market.
Nauna na umanong nakiusap ang poultry farm noong nakaraang anihan at nagkasundong papatawan ng nararapat na aksyon kung patuloy pa rin ang fly outbreak sa bayan. Pinaalalahanan rin ang farm ukol sa Agri-Poultry Business Management and Practices ngunit lumawak pa ang naapektuhan hanggang sa mga kalapit barangay.
Base na rin sa assessment ng Dasol Farm Monitoring and Control Team, ititigil ang operasyon ng farm hanggang September 18 ngayong taon at maaring mapaaga kapag sumunod ito sa pamantayang nakasaad sa laws and regulations ng bayan ng Dasol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨