𝗣𝗢𝗨𝗟𝗧𝗥𝗬 𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗔. 𝗕𝗔𝗥𝗕𝗔𝗥𝗔, 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗠𝗜 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗪

Isinangguni ng ilang residente mula sa Sitio Plameri, Brgy. Nilombot, sa bayan ng Sta. Barbara sa himpilan ng IFM News Dagupan ang problema sa pagdami ng langaw na pinaniniwalaang dahil umano sa isang poultry farm mula sa brgy. Banzal.

Ayon sa residente na nakapanayam ng IFM News Team, bagamat sa kabilang barangay na sila, araw araw pa rin umanong pasanin ng mga ito ang mga langaw kung saan apektado sila lalo na ang mga bata.

Nakakailang fly trap umano ang mga ito para lang mabawasan ang mga langaw bagamat tila hindi ito epektibo dahil sa sobrang dami.

Dagdag pa sa problema nila ang masangsang na amoy na umano’y nanggagaling din mismo sa poultry farm.

Inireport na sa barangay ang reklamo at hinihintay ng mga apektadong residente ang pagtugon ukol dito.

Samantala, sinubukan ng IFM News Team na kunin ang panig ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments