Wednesday, February 4, 2026

𝗣𝗒π—ͺπ—˜π—₯ π—œπ—‘π—§π—˜π—₯π—₯π—¨π—£π—§π—œπ—’π—‘, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—žπ——π—”π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯𝗔𝗑𝗔𝗦𝗔𝗑 𝗦𝗔 π—π—’π—‘π—˜π—¦, π—˜π—–π—›π—”π—šπ—¨π—˜, 𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗑 π—”π—šπ—¨π—¦π—§π—œπ—‘

β€Ž
β€ŽCauayan City – Nakatakdang maranasan ng ilang bayan sa lalawigan ng Isabela abg pansamantalang pagkawala ng kuryente sa darating na ika-5 ng Pebrero, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
β€Ž
β€ŽSa anunsyong inilabas ng Isabela I Electric Cooperative Inc. (ISELCO-1), saklaw ng naturang power interruption ang buong bayan ng Jones, at ilang bayan sa Echague kabilang ang Arabiat, Buneg, Cabugao Dammang East at West, Ipil, Maligaya, bahagi ng Soyung, at iba pa.
β€Ž
β€ŽBukod sa mga nabanggit na bayan, mararanasan din ito sa barangay Masaya Centro, Norte, at Sur, Nemmatan, at Santos.
β€Ž
β€ŽAng power interruption ay bahagi ng isinasagawang preventive maintenance at pagsasaayos ng tripping coil ng Feeder 3 Garit substation.
β€Ž
β€ŽMuli na namang pinaalalahanan ng ISELCO-1 ang publiko na ituring na energized ang mga linya upang maiwasan ang anumang aksidente.
β€Ž
Samantala, maaari namang maibalik ng mas maaga ang kuryente sa oaras na matapoa kaagad ang operasyon.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments