𝗣𝗥𝗘𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗛𝗜𝗘𝗙 𝗘𝗫𝗘𝗖𝗨𝗧𝗜𝗩𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Pangasinan ang mga local chief executives na dapat umanong manguna ang mga ito sa pagresponde sa panahon ng kalamidad.

Sa eksklusibong panayam ng iFM Dagupan kay DILG Pangasinan Provincial Director, Virgilio Rosario, maaring patawan ng kaakibat na parusa ang mga opisyal na hindi tutugon sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Posible umanong madismiss ang isang opisyal depende sa bigat ng kapabayaan nito. Nilinaw naman ng opisyal na dadaan naman umano ito sa tamang proseso.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang OPLAN LISTO, na hakbang ng tanggapan upang gawing handa ang kanilang mga nasasakupan sa panahon ng kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments