Bahagyang may paggalaw sa presyuhan ng fish products tulad bangus at galunggong sa ilang pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa P160 ang standard price sa kada kilo ng bangus na dating nasa P150 per kilo.
Ayon sa mga bangus vendors, nananatiling matatag ang produksyon ng bangus at hindi umano gaanong naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Ang galunggong, naglalaro ngayon sa P170 per kilo mula sa dating P140 to P160 depende sa klase.
Kaugnay nito, aprubado na ng Department of Agriculture ang pag-angkat na nasa mahigit walong libong metrikong tonelada ng frozen nito maging ang mackerel.
Bunsod umano ito ng naging malaking kabawasan ng produksyon ng isda dahil marami ang tumigil na pumalaot dahilan sa mga nagdaang bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments