Nararanasan hanggang sa kasalukuyan ayon sa ilang fish vendors sa Dagupan City ang matumal na bentahan ng produktong bangus.
Kasunod ito ng pagpataw ng mas mababang presyo ng produkto mula sa dating presyo na mula P150 at pataas depende pa sa laki ay kadalasan na itong maglaro ngayon sa P120 hanggang P130.
Base rin sa naganap na pulong sa pagitan ng mga bangus industry stakeholders at government agencies nito lamang Hunyo, nakitaan umano ng pagbaba sa presyo nito mula pa Pebrero.
Isa umano sa nakikitang dahilan ng mas mababang presyo ay ang oversupply nito sa merkado.
Ayon din sa ilang mga bangus harvesters, madalas daw ang pagharvest ngayon ng produkto kaya naman hindi umano makaila ang pagdami nito.
Samantala, inaasahan ng mga bangus fish cage operators sa Pangasinan ang tulong mula sa concerned agencies upang hindi tuluyang mas bumagsak pa ang presyo ng bangus na posibleng magdulot ng pagkalugi ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨