Wala pang paggalaw hanggang sa kasalukuyan ang presyo ng bangus sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City.
Naglalaro sa P140 hanggang P170 pesos ang kada kilo nito depende sa laki ng bangus na bibilhin.
Ayon sa ilang bangus vendors na nakapanayam ng IFM News Dagupan, sapat ang suplay nito sa merkado bagamat nararanasan ngayon ang tumal ng bentahan.
Inaasahan naman ng mga ito na mas lalakas ang benta sa buwan ng Disyembre.
Samantala, hindi umano masyadong apektado ang kanilang harvest sa nararanasang lagay ng panahon ngayon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments