Nananatiling mataas ang presyuhan sa kada kilo ng bigas sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City.
Naglalaro sa ₱48 hanggang ₱50 ang per kilo ng locally milled rice habang nasa ₱54 hanggang ₱60 naman ang well-milled rice.
Pangamba ng mga consumers ang muling pagsirit nito ng nasa dalawang piso per kilo. Ayon sa mga ito, para sa kanilang ordinaryong mga mamimili, ay mataas na raw ang presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa kasalukuyan at kung muling tataas pa ito ay mahihirapan na sila nang tuluyan.
Kaugnay nito ang muling itinutulak ang panukalang House Bill No. 9020 o ang “Cheaper Rice Act” ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee na may layong makapagtakda ng price subsidy na siyang tutulong sa mga local farmers upang mas mapabuti ang produksyon ng bigas at bilang epekto, maaaring mapababa ang presyuhan nito sa merkado.
Samantala, matatandaan na base sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 19.6% ang rice inflation noong Disyembre 2023, ang pinakamataas mula noong naitala na 22.9% rice inflation noong Marso 2009. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨