𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗛𝗔𝗡

Posible pang bumaba ang presyo ng bigas sa pampublikong pamilihan ng Bugallon, ayon sa ilang tindera ng bigas sa bayan.

Sa kasalukuyan, nananatili sa P42 ang maaaring mabiling pinakamababang presyo sa kada kilo ng bigas sa dito. Ayon sa magsasaka na nakapanayam ng IFM News Dagupan, inaasahan ang pagbaba pa sa presyuhan ng produkto lalo na at nagsimula na ang kanilang pag-aani noong huling linggo ng Setyembre.

Aniya, marami pa raw ang hindi pa nakakapag-ani na inaasahang magtatagal naman hanggang katapusan ng Oktubre.

Sa ngayon umano ay naantala ang kanilang pag-ani at pahirapang pagpapatuyo ng Palay dahil sa pag-uulan na nararanasan sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments