Kinumpirma ng ilang rice retailers sa pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan na may bahagyang pagtaas sa presyo ng bigas ngayon.
Sa ilang pamilihan, kumpara sa dating P48- P49 na presyuhan ng produkto, naglalaro na ito sa P49- P50 partikular sa local well-milled rice.
Bagamat piso lamang ang itinaas ay ang pinakamababang presyo pa rin ang higit binibili ng mga konsyumer.
Ilang rice retailers din ang mayroong bentang bababa pa sa P48 bagamat hindi ito kasing kalidad kumpara sa mahigit pang presyo ng bigas.
Samantala, sa gitna ng paggalaw sa presyo ng bigas ay nauna nang inihayag ni socioeconomic Secretary Arsenio Balisacan na inaasahan ang pagbaba sa presyo ng bigas sa buwan ng Setyembre.
Tiniyak din ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay sa bansa maging ang presyo nito ay stable o matatag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨