Walang paggalaw sa presyuhan ng produktong bigas sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Ito ay kasunod nang pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Nananatili sa P46 ang pinakamababang presyo sa kada kilo ng bigas, sinundan ng P47 hanggang P49 na regular milled rice.
Nasa P50 at mahigit naman ang presyuhan ng well milled rice sa ilang pamilihan.
Samantala, inaasahan na mararamdaman ang mas mababa pang presyo nito na posibleng maglaro sa P42 na per kilo ng bigas ngayong buwan ng Hulyo ayon sa inilabas na pahayag ni Speaker Martin Romualdez dahil sa ipapatupad na mababang taripa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments