Bumaba pa sa P45 at nananatiling pinakamababang presyo sa kada kilo ng bigas sa ilang pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Kumpara sa unang buwan ng taong 2024, naglalaro sa P49 hanggang P50 per kilo ang nabiling pinakamababang presyo.
Bagamat nararanasan na ang bawas presyo simula buwan ng Pebrero ay asahan na patuloy itong mararanasan bunsod ng peak ng harvest season ng palay ngayong buwan ng Marso.
Ayon sa mga rice retailers, onti-onti na ring nagsisidatingan ang bagong suplay ng bigas.
Ilang mga consumers naman, sa kabila ng nananatiling pinakamababang presyo ng bigas, kadalasang binibili umano ng mga ito ang naglalaro sa P49 hanggang P53 dahil sa magandang kalidad nito.
Samantala, tiwala naman ang DA na makakatulong ang harvest season sa pagbaba ng rice price sa merkado sa kabila ng nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon sa sektor ng agrikultura. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨