𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗞𝗔𝗗𝗢, 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 ₱𝟰𝟱

Asahan pang bababa ng hanggang sa ₱45 ang kada kilo ng bigas sa mga pamilihan partikular pagpatak ng buwan ng Marso dahil anihan peak season.

Sa Dagupan City, hanggang sa kasalukuyan ay naglalaro sa ₱49 hanggang ₱54 ang kada kilo ng locally milled rice, at mangilan-ngilang ₱48 per kilo na bigas ang pinakamurang halaga nito.

Sa pagitan ng ₱50 hanggang ₱52 pesos naman ang kadalasang binibili ng mga consumer.

Ayon sa mga ito, bagamat may mas murang P48 ay hindi umano kagandahan ang kalidad nito.

Samantala, patuloy nakaantabay ang pamunuan ng Department of Agriculture sa magiging kalagayan ng presyuhan ng produkto sa merkado na may kaugnayan sa epekto ng El Niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments