𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗞𝗔𝗗𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗠𝗘𝗥; 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗨𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗧𝗘𝗗 𝗥𝗜𝗖𝗘, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢

Patuloy pa rin na daing ng ilang konsumer tulad sa lungsod ng Dagupan ang presyo ng bigas sa merkado.

Ang ilan sa mga small business owners tulad ng sari-sari stores, sinabing wala umano sila magagawa kung itataas nila ng piso hanggang dalawang piso ang kada kilo ng bigas na kanilang ibinebenta dahil sa presyo ng kada sako na ibinabagsak sa kanila.

Ayon naman sa Department of Agriculture, posibleng umanong maramdaman ng publiko ang mas murang imported rice sa buwan ng Agosto.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, ang labing limang porsyento ng bawas-taripa sa imported rice ay dahil sa epekto na ng Executive order no. 62 na siyang magiging epektibo sa ika-6 ng Hulyo.

Kapag epektibo na ito ay mababawasan na ng anim na piso hanggang pitong piso ang presyuhan ng imported rice, batay sa taya ng Philippine Statistics Authority.

Samantala, sasailalim pa umano ang Executive Order sa pagsusuri tuwing apat na buwan gayon ay makita kung it ay epektibo at makapag-avail ng mas murang imported rice ang mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments