Nananatiling mataas ang presyo ng pangunahing bilihing bigas sa mga pampublikong pamilhan sa Dagupan City.
Naglalaro sa ₱48 hanggang ₱49 ang kadalasang pinakamababa ng presyuhan sa bigas.
Pumalo na rin sa ₱54 at mahigit pa ang kada kilo ng well milled rice sa merkado.
Ayon sa mga consumer, bagamat mas tipid daw sana ang pagbili ng isang sako o kalahating sako ng bigas ay hindi na raw talaga kaya ng kanilang kaukulang budget lalo ngayon na hindi na lang din bigas ang sumisirit sa presyo.
Sa kasalukuyan, konting mga rice retailers na lamang ang may bentang ₱46 to ₱47 per kilo ng bigas at parehong nasa hindi gaano kagandang kalidad.
Samantala, hanggang ngayon ay umaasa ang mga mamimili na mapababa kahit bahagya lamang ang presyo sa kada kilo ng nasabing produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨