𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔

Bahagyang bumaba na ang presyuhan sa kada kilo ng bigas sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Mas marami na ngayon kumpara noong nakaraang buwan ang nagbebenta ng nasa ₱48 hanggang ₱53 sa kada kilo ng bigas.

Bago pa ang ang umpisa ng anihan season, matatandaan na nasa ₱54 at mahigit pa ang kadalasang benta ng ilang mga rice retailers.

Ayon sa mga retailers, asahan na umpisa ngayong Pebrero hanggang sa mga susunod na buwan ang bababang presyo ng bigas dahil ilang mga magsasaka sa ay maagang inumpisahan ang pag-ani.

Samantala, bagamat parating ang anihan season ng palay ay pangamba ng Department of Agriculture (DA) maging ilang mga agricultural group ang epekto ng mas matinding El Niño Phenomenon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments