𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š π—•π—¨π—Ÿπ—”π—žπ—Ÿπ—”π—ž 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—”π— π—œπ—Ÿπ—œπ—›π—”π—‘ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, π—‘π—”π—žπ—œπ—§π—”π—”π—‘ 𝗑𝗔 π—‘π—š π—£π—”π—šπ—§π—”π—”π—¦ 𝗦𝗔 π—¨π—‘π—”π—‘π—š 𝗔π—₯𝗔π—ͺ π—‘π—š π—£π—˜π—•π—₯π—˜π—₯𝗒

Nakitaan na ng bahagyang pagtaas sa presyo ang ilan sa mga pamilihang nagbebenta ng bulaklak sa Dagupan City sa unang bungad pa lamang ng Pebrero.

Ayon sa ilang nagtitinda ng bulaklak, asahan na umano na lalo pang tataas ang presyo ng mga bulaklak sa huling linggo bago mag February 14 kung saan maaaring pumalo ang presyo sa isang libong piso ang kada bundle.

Mula sa dating presyo na β‚±40 per stem ay itataas na ito sa β‚±100 per stem, bagay na malaki ang itinaas kumpara sa mga normal na araw na pagbebenta nito.

Bukod sa per stem na mga bulaklak, may mga bouquet naman na ibinebenta kung saan depende sa klase at nagpapacustomize ang presyo nito.

Naglalaro ang presyo ng bouquet mulaΒ β‚±250 hanggang β‚±600 depende sa disenyo at mga bulaklak na pipiliin ng mga kustomer.

Sa ngayon, mas mabenta umano ang mga dried flowers dahil sa hindi ito basta-basta mawawalan ng kulay at maganda pa rin ang itsura kesa sa mga fresh umano na mga bulaklak na magtatagal lamang ng ilang araw. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments