Nakitaan na ng pagtaas ang presyo ng mga bulaklak sa mga flower shops sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa mga flower vendors, nagsimula nang tumaas ang presyo ng mga bulaklak tatlong araw bago ang pagdaraos ng Undas.
Tinatayang nasa P50 ang naging pagtaas sa ilang klase ng bulaklak.
Anila, inaasahang mas tataas pa ang presyuhan sa bulaklak pagsapit mismo sa araw ng November 1 hanggang 2.
Sa ngayon, matumal pa ang bentahan ng bulaklak at inaasahang lalakas sa araw ng Undas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments