Doble ngayon ang presyo ng isdang galunggong sa ilang pamilihan sa Pangasinan partikular na sa Magsaysay Fish Market, dahil umano sa kakulangan ng suplay.
Ang presyo, mula 100 hanggang 120 pesos kada kilo ay tumaas ito mula 180 hanggang 200 pesos.
Diumano, karamihan sa suplay ng galunggong ay nanggagaling pa sa kamaynilaan na dati ay pumapalo ng 500 styro boxes na ngayon ay halos 200 boxes na lamang ang dumarating.
Ayon kay grupong Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, kadalasan umanong kaunti ang nahuhuling isdang galunggong sa ganitong panahon, ngunit paalala naman nito na hindi na dapat lumampas pa sa 180-200 pesos ang kada kilo nito.
Samantala, ilang residente naman ang umaaray sa pagtaas ng presyo ng nasabing isda kaya naman sila’y naghahanap ng mas murang isda.
Sa ngayon, matatag naman ang presyo ng ibang produktong isda, o kung may pagtaas man ay bahagya lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨