𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗚𝗢𝗡𝗚, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢𝗡

Inaasahan ng grupong Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG na babalik na sa normal ang presyuhan ng isdang galunggong matapos sumipa ang presyo nito sa 240 kada kilo.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So dapat pag-aralan ang pag-aangkat ng galunggong upang hindi lubhang maapektuhan ang mga mangingisda at mga supplier.

Dagdag pa nito na sila ay nakikipag-ugnayan na sa Department of Agriculture upang hindi gaanong maapektuhan ang pagbagsak ng presyo nito.

Sa kabilang banda, inilahad din ni So ang pagtaas ng presyo ng gulay dahil pa rin sa bagyo, pero inaasahan din nila na magbabalik a ang presyo nito sa mga susunod na linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments