Nakitaan na ng pagtaas ang presyo ng mga gulay at mga isda sa lalawigan, ilang araw bago sumapit ang semana santa.
Ayon sa mga tindera, dulot pa rin diumano ng epekto ng tag-init kaya’t apektado rin ang presyuhan ng mga gulay na kanilang inaangkat mula sa ibang bayan.
Pumapalo ng hanggang P100-P130 ang presyuhan ng mga gulay tulad ng sitaw, okra, talong, at iba pa.
Dahil dito, ang ilang mamimili ay bumibili na lamang ng patingi-tingi, upang makatipid.
Samantala, ang mga isda ay nakitaan na rin ng bahagyang pagtaas, ang bangus pumapalo na sa P200 ang kada kilo, P160 ang tilapia at nasa P260-P280 naman ang galunggong.
Inaasahan naman ng ilang mga tindera na tataas pa ang presyo at demand ng kanilang mga paninda sa susunod na linggo kasabay ng semana santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨