𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦

Ilang araw bago ang undas may mga paunti-unti ng paggalaw sa presyo ng mga gulay sa Malimgas Public Market sa Dagupan City.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang tindera sa lungsod, apektado umano ng inaasahang mataas na demand sa Undas ang presyo ng gulay na inaangkat sa Pangasinan kaya mapipilitan umano ang mga tindera na magtaas ng presyo ng kanilang bentahan.

Sa kasalukuyan, nananatiling nasa P120-P160 ang kada kilo ng kamatis habang P200 naman ang bentahan ng kada kilo ng cauliflower at broccoli.

Bahagyang bumaba ang presyo ng kada kilo ng repolyo, patatas at ampalaya na nasa P80 habang ang presyo ng talong tumaas ng sampung piso kada kilo mula sa dating bentahan nitong P60.

Samantala, inaasahan pa ng mga tindera ang matatag na suplay ng gulay sa kabila ng naitalang pinsala sa agrikultura sa Ilocos Region dahil sa Bagyong Kristine. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments