Ramdam ngayon sa ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan ang pagsadsad ng presyo ng gulay sa ilang palengke at pamilihan.
Sa ngayon, ramdam ng mga negosyante ang tuluyang pagbaba ng presyo ng gma gulay na kanilang inlalako ng halos kalahati sa dati nitong mga presyo.
Ubos nga raw ang mga benta dahil sa pamamakyaw ng mga konsyumer dahil sa baba ng presyo ng mga gulay ngunit bumabawi rin naman ang mga negosyante sa iba pang mga gulay rin na nakitaan ng pagtaas gaya ng ampalaya at sitaw.
Habang sa ngayon, mababa pa rin ang presyo ng ilang gulay kung saan nangunguna ang kamatis na nasa 10-20 per kilo, sibuyas na nasa starting price na 45 pesos, kalabasa na bumaba rina ng presyo at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments