Halos doble ang itinaas ng presyo ng gulay sa ilang palengke sa Pangasinan ngayong unang linggo ng Hulyo ayon sa Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG.
Sa pag-iikot ng IFM Dagupan sa San Fabian public market, dumoble ang presyo ng highland vegetables o mga gulay mula sa Cordillera.
Ang repolyo P80 pesos per kilo, Baguio Beans P120 pesos per kilo, carrots na nagkakahalaga ng P80 per kilo, sayote na P40 per kilo.
Wala namang pagbabago sa presyo ng lowland vegetables. Nanatiling P70 per kilo ang talong, ampalaya P80 per kilo, sitaw P120 per kilo, at okra naman na nagkakahalaga ng P40 kada kilo.
Ayon sa awtoridad, Ang dahilan ng doble-taas presyo ng mga highland vegetables ay sa konti ang suplay ng mga ito dahil sa epekto ng pag-ulan na nararanasan sa Cordillera. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨