𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗩𝗘𝗚𝗘𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng Highland Vegetables sa mga palengke sa Dagupan City.

Ayon sa ilang tindera, mataas umano ang kuha ng mga ito sa kanilang supplier na nagmumula pa sa Cordillera. Ang ilang tindera napipilitan na lamang na huwag ng patungan ng tubo ang kanilang bentang gulay upang mapaubos lamang at hindi masayang.

Paliwanag ng ilan, nakaapekto ang sunod-sunod na bagyong naranasan sa Hilagang Luzon.

Ang presyo ng pechay ngayon ay naglalaro sa 60-80 pesos kada kilo, repolyo na nasa 80 pesos kada kilo habang 120 pesos naman sa kada kilo broccoli. Nanatili namang mahal ang presyo ng bawang na nasa 140 kada kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments