Bagsak presyo ngayon ang ilang gulay sa mga pamilihan sa Pangasinan, dulot umano ng pag-uulan na nararanasan at oversupply ng mga ito.
Ang carrots sa ilang pamilihan sa probinsya bumagsak sa g25-30 pesos ang kada kilo.
Ayon sa ilang tindera, halos ipamigay na lang nila ang mga carrots dahil sa oversupply at mabilis umanong masira.
Aminado ang dealer ng gulay sa Pangasinan, na hirap silang ipaubos ang supply, kaya madalas na maranasan ang pagkakatambak ng supply.
Samantala, ang presyo ng talong at ampalaya ay nasa kwarenta pesos ang kada kilo, ang okra at repolyo, bente pesos kada kilo, ang sayote, trenta kada kilo, singkwenta naman sa patatas at 80 pesos sa Benguet beans. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments