Nananatiling matatag ang presyuhan ng mga produktong isda sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Ang Bangus, naglalaro sa ₱150 hanggang ₱170 sa kada kilo habang ang tilapia ay nasa ₱130 naman ang per kilo.
Matatandaan na bagamat nagpapatuloy ang nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa ay hindi ito nakikitaan ng malaking epekto sa aquaculture industry partikular sa produksyon ng Bangus sa lungsod.
Ayon sa mga fish vendors, kung mayroon mang suliranin umano ang mga ito, ito ay ang tumataas na presyo ng feeds.
Sa kabilang banda, nasa ₱220 hanggang ₱230 naman ang kada kilo ng galunggong at inaasahang bababa sa mga susunod na buwan ang presyo nito bunsod ng swak na sea temperature para sa mga tropical species tulad ng galunggong at bangus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨