𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗗𝗦𝗔𝗗 𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗦𝗢

Bumaba pa sa apat na piso ang pinakamababang presyo ngayon ng itlog sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Mabibili ang maliit na size ng produkto ng naglalaro sa P4 hanggang P6 pesos, habang nasa P7 naman ang medium size, at P8 – P9 pesos ang large size.

Ayon sa DA, wala rin umanong magiging pagtaas sa presyo ng poultry products tulad ng itlog sa kabila ito ng nararanasang epekto sa livestocks dulot ng El Niño.

Samantala, nauna na ring inihayag ng SINAG nito lamang Pebrero na nananatiling matatag ang produksyon ng itlog sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments