𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚

Bahagyang bumaba ang presyo ng itlog sa merkado dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, kumpara nitong nakalipas na mga linggo ay bumaba na ang presyo ng itlog sa merkado ngayon bagamat naglalaro ito sa walong piso hanggang siyam na piso kada kilo nito sa ngayon.
Sapat naman aniya ang suplay ng itlog ngayon hanggang sa matapos ang taon at inaasahan din aniya na ito na ang posibleng maging presyuhan hanggang sa matapos ang taon.

Inaasahan naman na tataas pa ang demand ng itlog Habang papalapit ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments